Dinakip na ng mga awtoridad ang 75 anyos na American national na tatlong linggo nang namamalagi sa loob ng Ninoy Aquino International Airport dahil sa panggugulo at pag-eeskandalo.
Batay sa ulat, ilang beses tumanggi ang Amerikanong si Maurice Francis O’Connor na magsuot ng face mask at face shield kahit ilang beses nang pinapaalalahanan hinggil sa ipinatutupad na health protocol sa NAIA.
Madalas din nitong hinuhubad ang kanyang suot na damit pang-ibaba.
Maliban dito, inireklamo rin si O’Connor ng isang babaeng concessionaire matapos siyang buhusan nito ng tubig sa mukha at pagnakawan pa ng dalawang bote ng softdrinks at iba pang panindang pagkain.
Ayon sa NAIA public affairs office, kanila nang ipinagbigay alam sa US Embassy ang sitwasyon ni O’Connor pero wala pang pumupuntang tiga- embahada.
PANOORIN: 75 year old Amerikanong si Maurice Francis O connor ng Massachusetts nagwala sa Philippine Airport Terminal 1 | via Raoul C Esperas (Patrol 45)
Posted by DWIZ 882 on Thursday, 4 February 2021