Wala na sa kustodiya ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang American national na tatlong linggong namalagi sa loob ng NAIA terminal 1.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, sinundo na ang Amerikanong si Maurice Francis O’Connor ng nagpakilalang kaibigan ng stepdaughter nito.
Ani, Monreal, dinala na ang Amerikano sa isang hotel sa Makati matapos itong pumayag na sumama sa kaibigan ng kanyang stepdaughter.
Binigyang diin din ni Monreal na kanilang inalaagaan ng maayos ang naturang pasahero habang nasa loob ng terminal kung saan regular itong binibigyan ng pagkain at tubig.