Naghain ng apela sa Court of Appeals (CA) ang Amerikanong sundalo na sentensyado sa kasong pagpatay sa transgender Filipino na si Jeffrey “Jennifer” Laude noong October 24.
Kinumpirma ni Atty. Rowena Garcia-Flores, abogado ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ang paghahain nila ng apela noong April 26 subalit tumanggi itong magbigay ng detalye sa naging basehan ng kanilang apela.
Nais ng kampo ni Pemberton na baliktarin ng Court of Appeals ang desisyon nilang pagtibayin ang naging hatol ng Olongapo City Trial Court laban sa sundalong Amerikano.
Una nang iginiit ni Pemberton na ipinagtanggol lamang nya ang kanyang sarili nang sampalin sya ni Laude matapos nyang matuklasan na hindi ito isang babae.
Sa kasalukuyan ay nakakulong si Pemberton isang restricted facility sa Camp Aguinaldo.
By Len Aguirre