Arestado ang isang Amerikanong most wanted sa kaniyang bansa sa possession at distribution ng child pornography.
Kinilala ang banyagang suspek na si Gregory Evans Nelson.
Ayon kay Ansari Macaayan, Intelligence Officer ng Bureau of Immigration (BI), mayroong 34 na kasong nakabinbin laban kay Nelson kaugnay sa child pornography.
Na-revoke na ang passport ni Nelson at meron na siyang existing summary deportation order mula sa BI.
Samantala, dinala sa immigration detention facility sa Davao City si Nelson habang naghihintay sa kanyang deportation.—sa panulat ni Mara Valle