Umiiral at nakakaapekto pa din sa Northern at Central Luzon, ang hanging amihan, habang tail end ng cold front naman ang nakakaapekto sa southern Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaring makaranas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan, ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol Region.
Mahinang ulan din ang maaaring asahan sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, at Cagayan Valley.
Sinabi ng PAGASA na maari din asahan ang maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan sa nalalabing bahagi ng bansa.
By Katrina Valle