Apektado ng hanging amihan ang dulong hilagang Luzon habang ang easterlies naman ang nakakaapekto sa silangang bahagi ng ating bansa.
Makararanas ng maulap na papawirin na may pag-ulan pulo-pulong pagkidlat pagkulog ang CALABARZON, Bicol, Eastern at Central Visayas, Caraga, Davao at Aurora.
Bahagyang maulap na may mahinang pag-ulan naman ang posibleng maranasan sa Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maulap na may pulo-pulong pagkulog at pagkidlat.
By Mariboy Ysibido