Wala nang umiiral na northeast monsoon o amihan sa Northern Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, tanging easterlies na lamang ang umiiral at nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa.
Apektado ng easterlies ang Eastern Visayas, Caraga at Bicol region na maaaring makaranas ng maulap na papawirin na may kalat kalat na pag-ulan.
Makakaranas naman ng localized thunderstorms ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Dahil sa easterlies, magiging maalinsangan ang panahon ngayong araw na ito.
—-