Asahan na ang malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Northeastern Luzon hanggang ngayong araw ng linggo dahil sa nararanasang Northeastern Monsoon o Amihan.
Ayon sa PAGASA, ilan sa mga lugar na posibleng makaranas ng sama ng panahon, ang Cagayan, Isabela, Kalinga, Apayao, at Aurora.
Habang mamayang hapon naman, inaasahang magkakaroon rin ng mga pag-ulan sa Bicol Region, Mindoro Provinces, at Palawan.
Samantalang sa Visayas at Mindanao, inaasahan na ang mga pagkulog at pagkidlat sa buong araw ng ito.
Maulap at may kasamang mga pagbuhos ng ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila simula ngayong umaga hanggang mamayang hapon.