Muling bumalik ang pag-iral ng Amihan at apektado na muli nito ang Extreme Northern Luzon.
Sinabi ng PAGASA na ang Batanes at Babuyan Islands ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dahil sa Amihan.
Samantala, ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas lamang ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang isolated na pag-ulan.
Ipinabatid ng PAGASA na localized thunderstorms naman ang iiral sa Visayas at Mindanao.
Ayon pa sa PAGASA, ngayong araw na ito hanggang bukas ay lalakas pa ang Amihan at maaapektuhan ang iba pang bahagi ng bansa.