Maulap na kalangitan na may mahinang mga pag-ulan ang mararanasan sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera at Cagayan Valley.
Iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na hangin mula sa hilagang silangan ang iiral sa dulong hilagang Luzon.
Ang mga baybaying dagat nito ay magiging katamtaman hanggang sa kung minsan ay maalon.
Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa hilagang-silangan hanggang sa silangan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
By Jelbert Perdez