Posibleng magsimula nang umiral sa ilang panig ng bansa ang northeast monsoon o hanging amihan sa susunod na buwan, Oktubre.
Batay sa obserbasyon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administrationo PAGASA, mahina na ng hanging habagat.
Indikasyon na anila ito ng nalalapit na pagpapalit mula sa habagat patungong amihan.
Una namang mararamdaman ang amihan sa hilagang bahagi ng bansa na hudyat naman ng paglamig na ng temperatura.
Samantala, sa kasalukuyan, inaasahang magdadala pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas at katimugang bahagi ng Mindanao ang hanging habagat.
—-