Aminado si National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito galvez na ilang “external factors” ang nakapagpabagal sa vaccination drive ng pamahalaan.
Ito, ayon kay Galvez, ay ang pananalasa ng bagyong Odette noong Disyembre at preparasyon para sa May 9 elections.
Napuwersa anya ang ilang local government unit na pansamantalang suspendihin ang kanilang vaccination rollout upang tugunan muna ang pangangailangan ng mga apektado ng kalamidad.
Idinagdag ni Secretary Galvez na nabaling din ang atensyon ng ilang public official sa preparasyon sa national at local polls sa halip na tumutok sa pagbabakuna.
Dahil dito, hinimok ng NTF Chief ang mga kapwa opisyal na i-prayoridad muna ang vaccination na mas mahalaga anyang trabaho.