Hinamon ni Amir Khan si Floyd Mayweather Jr. na magpakalalaki at pangalanan na ang nais nitong makalaban sa parisukat na lona.
Ayon kay Khan, naglalaro na naman si Floyd sa hindi nito pag-anunsyo ng kaniyang susunod na makakatunggali sa kaniyang laban sa Setyembre.
Wika ni Khan, gawain na ni Mayweather na i-anunsyo kung sino ang nais niyang makalaban bago ang kaniyang fight upang hindi ito makapaghanda.
Ngunit sinabi ng boksingero na hindi siya pasisilo kay Mayweather kaya’t hindi niya pinababayaan ang sarili sa pag-eensayo sa kabila ng kaniyang pag-aayuno bilang pagtupad sa Ramadan.
By Jaymark Dagala