Kumpiyansa si British Welterweight Fighter Amir Khan na matatalo niya ang dating sparring partner na si 8 Division World Champion Manny Pacquiao sa Abril 23.
Ayon kay Khan, marami na siyang nalalaman hinggil sa mga galaw at routine ni Pacman dahil ilang taon niya itong naging sparring partner.
Magugunita noong isang linggo ay tinanong ni Pacquiao ang kanyang mga twitter follower kung sino ang nais nilang susunod niyang makakalaban at nanguna si Khan sa botong 48 percent.
Kinumpirma naman ni Pacman na gaganapin ang laban sa Dubai, United Arab Emirates pero hindi pa malinaw ang halaga ng magiging premyo.
Nakataya sa naturang laban ang WBO at Linear Welterweight Titles ni Pacman.
By Drew Nacino