Muling hinamon ng welterweight fighter na si Amir Khan ang kanyang dating sparring partner na si Senador Manny Pacquiao.
Ito’y makaraang umugong ang balitang nais ni Floyd Mayweather Jr ng isang warm-up fight kay Adrien Broner sa Tokyo, Japan bago ang blockbuster rematch kay Pacquiao.
Aminado si Khan na matagal na niyang hinahangad na makasagupa si Pacman na kasalukuyang may hawak ng WBA welterweight belt.
Kung bibigyan anya siya ng pagkakataon ay tiyak na magiging mega-fight din ang sagupaan nila ng pambansang kamao gaya ng laban nito kay ‘Pretty Boy’ noong Mayo 2015.
Maka-ilang beses nang nagkaroon ng negosasyon ang panig ng senador at British boxer para sa sinasabing bakbakan subalit hindi nagkasundo.