Balak ni Amir Khan na bumalik na lamang sa welterweight division matapos patulugin ni middleweight champion Canelo Alvarez.
Bagamat sa tingin niya ay malakas siya sa 155 pounds, sinabi ni Amir na natural sa kaniya ang mas mababang timbang na eksakto sa welterweight.
Samantala, mananatili pa ring mandatory challenger ng WBC si Khan laban sa kampeon na si Danny Garcia.
Taong 2012 nang ma-knock out ni Garcia si Amir sa Junior Welterweight Division.
By Judith Larino