Tiniyak ng British boxer na si Amir Khan na kanyang patutumbahin si People’s Champ Manyy Pacquiao sakaling matuloy ang kanilang paghaharap.
Ayon kay Khan, matagal na niyang pinaghahandaan ang posibilidad ng paghaharap nila ni Pacquiao sa parisukat na lona.
Aniya, nakahanda siyang isantabi ang kanilang pagkakaibigan ni Pacquiao para sa nasabing laban.
Una nang binanggit ni Pacquiao ang pangalan ni Khan bilang isa sa nais niyang susunod na makalaban matapos naman manalo kontra sa Argentinian boxer na si Lucas Matthysse.
—-