Umaasa pa rin ang British boxing star na si Amir Khan na siya ang huling makakalaban ni 8-division world champion Manny Pacquiao bago magretiro ang Pambansang Kamao.
Ayon kay Khan, maganda ang itinatakbo ng negosasyon sa pagitan ng kaniyang panig at kampo ni Pacquiao para sa niluluto nilang laban.
Sinabi ni Khan na hinaharap na sila ngayon ng team Pacquiao kaya’t unti -unti aniya ay nagkakaroon ng pag-asang siya ang makatunggali ni Pacquiao.
Sakali mang muling mapurnada aniya ang pangarap nitong laban kontra kay Pacquiao, inihayag ni Khan na wala siyang magagawa kundi ang maghanap na lamang ng iba.
By Ralph Obina