Walang itinakdang deadline si Pangulong Rodrigo Duterte kung kailan dapat tapusin ng Anti-Money Laundering Council ang imbestigasyon sa sinasabing tagong yaman ng kanyang pamilya batay sa expose’ ni Senador Antonio Trillanes.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, bahala na ang AMLC na umaksiyon dahil binigyan na sila ng go signal ng Pangulo para tingnan kung may batayan ang akusasyon ni Trillanes.
Hindi naman masabi ni Abella kung kakasuhan ng Pangulo ang Senador kapag napatunayang walang batayan ang mga bintang nitong may nakatagong mahigit dalawang Bilyong Pisong deposito sa bangko ang kanyang pamilya.
Ang AMLC ang komisyon na may mandatong bantayan ang mga kahina-hinalang accounts sa isang bangko, partikular yaong mga sangkot sa money laundering.
By: Aileen Taliping