Kumilos na ang AMLC o Anti-Money Laundering Council matapos makatikim ng batikos mula mismo sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Nasa kamay na ng NBI o National Bureau of Investigation ang mga hinihingi nilang dokumento mula sa AMLC.
Ang mga dokumento mula sa AMLC ay suporta sa pahayag ng mga NBP inmates na tumestigo sa Kongreso na may pinagdadaanang bank accounts ang perang napagbentahan nila ng droga sa loob ng NBP.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, dalawang buwan na nilang hinihingi ang mga dokumento sa AMLC subalit hindi sila pinapansin.
Pinuna ni Aguirre na dalawang oras matapos ang pagbanat ng Pangulo sa AMLC ay naipadala na sa kanla ang mga dokumento na anya’y sulat kamay lamang ang petsa.
By Len Aguirre