Tiyak na mabubunyag ang halos lahat ng malalaking personalidad na sangkot sa illegal drugs sa mga dokumentong nagmula sa AMLC o Anti-Money Laundering Council.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, maliban kay Senador Leila de Lima, posibleng pati ang mga narco-generals ay natunton na sa pamamagitan ng multi-milyong bank deposits na itinuturing na red flag kayat naitala ng AMLC.
Sinabi ni Aguirre na isusunod na agad ng National Bureau of Investigation (NBI) ang paghingi naman ng kooperasyon ng mga bangko kung saan idinaan ang perang mula sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).
Bahagi ng pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre
By Len Aguirre | Ratsada Balita