Nagbitiw na sa puwesto si Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Julia Bacay-Abad.
Ayon kay Abad, hindi naging madali ang mag-desisyon na mag-resign subalit ito na ang tamang panahon upang boluntaryong umalis sa AMLC epektibo ngayong araw.
Alinsunod na rin ito sa istratehiya na patatagin ang AMLC sa ilalim ng bagong pamunuan.
Noong isang buwan ay binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng AMLC dahil sa hindi umano nito pakikipag-tulungan upang maibigay ang mga dokumentong hinihingi ng Department of Justice.
Una ng inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre nahihrapan silang kunin ang mga mahalagang bank information kaugnay sa illegal drugs trade sa New Bilibid Prison dahil sa bagal ng aksyon ng Anti-Money Laundering Council.
By Drew Nacino