Iimbestigahan ng AMLC o Anti-Money Laundering Council ang mahigit 50 Milyong Pisong cash at mga tseke na may halagang P27 Million na nakumpiska ng tropa ng militar mula sa kuta ng Maute Group sa Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tiyak na kabilang ang AMLC sa gagawing pagsisiyasat.
Tumanggi naman si Abella na magkomento kung may posibilidad bang ma-lift ang bank secrecy law, at sa halip ay sinabi nitong hintayin na lamang ang proseso ng imbestigasyon
By: Meann Tanbio