Hawak na ng NBI ang mga dokumento mula sa Anti-Money Laundering Council o AMLC kaugnay ng isinagawa nitong imbestigasyon hinggil sa bilibid drug trade.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nuong huwebes pa natanggap ng NBI ang mga dokumento.
Sinabi ni Aguirre na statement of account pa lang umano ng mga hinihinalang sangkot sa bilibid drug trade, kasama na ang kay Senador Leila De Lima ang ibinibigay ng AMLC.
Laman umano ng mga nasabing dokumento ang transaksyon kabilang na ang pumasok na pera sa mga bank account.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo