Muling nagpaalala sa publiko ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na mag-ingat at maging mapagmatyag tuwing gagawa ng digital financial transactions.
Ayon kay AMLC executive director Mel Racela, umakyat kasi sa 400,000 ang mga naisumiteng kahina-hinalang transaksiyon sa loob lamang ng ilang buwan ngayong taon na katumbas ng dami ng mga naitala sa buong taon ng 2019.
Dahil dito, nagbabala sa publiko si Racela na tiyaking hindi nagagamit sa panggagantso o fraud ang mga pinapasok nilang online platform.
Ngunit nilinaw naman ng AMLC na suspicious transactions lamang ang mga naireport sa kanilang tanggapan kaya’t hindi masasabing lahat ng ito ay cybercrime.