Nanawagan si Anti-Money Laundering Council (AMLC) Chairman Armando Tetangco Jr. na payagang silipin ang mga deposito sa bangko.
Ayon kay Tetangco, na siya ring gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas, pinipigilan ng Bank Secrecy Law na maiwasan ang pagpasok ng dirty money sa bansa.
Tuwing mayroon kasing kaso ng money laundering na umaabot sa AMLC, nangangahulugan lamang ito na nakapasok na ang nasabing pera, at doon lamang magsisimula ang kanilang imbestigasyon.
Kailangan, aniya, ng mga paraang makapag-iiwas sa ganitong pangyayari.
Kaya naman bukas ito sa posibilidad ng pagpapaluwag ng Bank Secrecy Law kung hihingin ng pagkakataon.
Samantala, dahil sa mga confidentiality provision sa ilalim ng ilang partikular na batas, tumangging mag-komento si Tetangco hinggil sa isyu ng money laundering na kinahaharap ng bangkong RCBC at remittance agency na Philrem Service Corporation.
By Avee Devierte