Sinusuri na ng AMLC o Anti Money Laundering Council ang 12 bank secrecy waivers na pinirmahan at isinumite ni Senador Antonio Trillanes.
Ito ay ayon kay AMLC Executive Director Mel Georgie Racela, matapos na kanilang matanggap ang mga waivers mula kay Trillanes noong Miyerkules, a-13 ng Setyembre.
Kabilang sa mga ipinadala ni Trillanes ay ang Foreign Waiver of Secrecy of Bank Deposits na nagbibigay pahintulot sa Ombudsman at AMLC na buksan at tignan ang 12 bank accounts na sinasabing nakapangalan sa Senador.
Ang mga nasabing bank secrecy waivers ay ipinadala ni Trillanes sa AMLC at Ombudsman noong Lunes bilang hamon kay Pangulong Rodrigo Duterte na buksan at ipakita rin nito sa publiko ang mga bank accounts nito.
SMW: RPE