Sumabog ang ammunition depot ng AFP-North Luzon Command sa Camp Serviliano Aquino sa Tarlac City.
Dakong alas-11:00 kagabi nang marinig ang isang malakas na pagsabog na sinundan ng sunog sa imbakan ng mga pampasabog at bala.
Agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Provincial Disaster Risk Reduction Management Council upang maapula ang apoy.
Walang naitalang nasaktan sa insidente habang inaalam na ang sanhi ng pagsabog.
By Drew Nacino