Handang humarap sa Senado ang Amnesty International upang idepensa ang kanilang report hinggil sa pay per kill modus sa giyera kontra droga ng pamahalaan.
Sa inilabas na pahayag ng Amnesty International, ibibigay nila sa Senado ang kopya ng buo nilang report hinggil sa di umano’y pagtanggap ng mga pulis ng pera kapalit ng pagpatay sa mga drug suspects upang mabusisi ito ng mga mambabatas.
Gayunman, nanindigan ang AI na hindi nila ikokompromiso ang pagkakakilanlan ng kanilang sources ng impormasyon.
Ang datos ng AI ay ibinase nila sa ginawa nilang panayam sa may 110 katao kabilang ang mga testigo at pamilya ng mga napatay dahil sa iligal na droga.
Dalawang hired gunmen at isang pulis rin di umano ang nagkumpirma sa kanilang pag-aaral.
By Len Aguirre