Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Human Rights Group na Amnesty International.
Kasunod ito ng inilabas na pahayag ng grupo na posible umanong maging mitsa ng pang-aabuso ang brutal na pagpatay ng pamahalaan sa mga kriminal gayundin sa mga lulong sa ipinagbabawal na gamot.
Inalala ng Pangulo ang kaniyang naging karanasan nang maka-engkuwentro ang mga kidnapper nuong 1988 kung saan, nakapatay umano siya ng ilan sa mga ito.
Binigyang katuwiran ng Pangulo na anumang maling gawain tulad ng kidnapping at pagpapalaganap ng droga ay isang krimen.
By: Jaymark Dagala