Nilinaw ng Amnesty International o A.I na hindi nila kinokontra ang iba’t ibang operasyon ng pulisya.
Ayon kay A.I Human Rights Officer Wilnor Papa, ang kanilang binabatikos ay ang resulta ng mga operasyon kung saan may napapatay.
Hindi aniya biro ang bilang ng mga nasasawi sa naturang mga operasyon kaya’t marapat umano lamang na ito ay bigyan ng pansin.
Una rito inilabas ng A.I ang ulat na nasa 20,000 ang nasawi sa kontra droga ng pamahalaan.