Sinulatan na ni Committee on Public Order Chairman Senator Ping Lacson ang Amnesty International (AI) kaugnay sa report na tumatanggap ng pera ang mga pulis kapalit ng kanilang mga napapatay na drug suspect.
Ayon kay Lacson, kung mapatutunayang may hawak na affidavit ang Amnesty para sumuporta sa kanilang report ay isasama na ito sa magiging pagdinig ng kaso ng biktima ng tokhang for ransom na si Jee Ick Joo.
Samantala, tuloy na sa Huwebes ang susunod na pagdinig ng Senado sa kaso ng napatay na Korean businessman.
Related Article: (READ) Senado opisyal na susulatan ang Amnesty International
By Rianne Briones