Iginiit ng human rights group na Amnesty International na walang karapatan ang Pilipinas na mag host ng “ world summit” na tatalakay sa mga bansa kaugnay ng proteksyon sa karapatang pantao.
Ang pahayag na ito ay nag – ugat makaraang mag – alok si Pangulong Duterte na magkasa ng isang “summit” sa kabila ng kinahaharap na batikos ng war on drugs ng pamahalaan.
Ayon kay Amnesty International Philippinees Director Butch Olano, walang karapatan ang bansa sa planong hakbang na ito dahil sa kasalukuyang sitwasyon nito kung saan maraming naitatalang paglabag sa karapatang pantao.
Batay sa datos ng Amnesty International, aabot sa 12000 hinihinalang drug offenders ang napatay ng mga pulis mula nang simulan ng administrasyon ang kampanya kontra illegal na droga.