Hinamon ng Palasyo ng Malakanyang ang Amnesty International na patunayang mayroong bayad ang bawat drug lord at drug pusher na napapatay sa mga operasyon kontra ilegal na droga.
Sinabi ito ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar matapos sabihin ng Amnesty International na mayroong katumbas na 400 dollars o 20 libong piso ang bawat natutumbang target.
Pakinggan: Pahayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar
Sinabi din ni Andanar na trabaho ng Amnesty International ang gumawa ng mga report subalit kailangang patunayan ng mga ito ang kanilang mga inilalabas na balita.
Pakinggan: Tinig ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar
By: Katrina Valle / Aileen Taliping
Credits to Push Mo Yan Te program of DWIZ mapapakinggan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:00 AM to 12:00 NN kasama si Ruth Abao