Pinuri ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang amnesty proclamations ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang statement, tinawag ni BARMM spokesperson and Interior Minister Naguib Sinarimbo na significant milestone ang mga proklamasyong ito na layong magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro.
Binigyan-diin niya ang papel nito sa pagbabago ng mga dating rebelde na maging productive at peace-loving Filipino citizens.
Nagpasalamat din si Atty. Sinarimbo sa pamahalaan sa commitment nito sa lahat ng nilagdaang peace agreements at nangako siyang makikipagtulungan ang gobyerno ng BARMM upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.
Matatandaang bilang bahagi ng comprehensive peace initiatives ng administrasyon, inilabas ni Pangulong Marcos ang Proclamations 405 and 406 upang magbigay ng amnestiya sa mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).