Pinalawig pa ng gobyerno ng Saudi Arabia ang amnesty program nito para sa dayuhang iligal na nagtatrabaho sa kanilang bansa.
Batay sa ulat ni Labor Attache to Riyadh Labatt Nasser Mustafa, hindi muna magpapatupad ng crackdown ang Saudi government sa mga dayuhang walang dokumento.
Ikinatuwa naman ng Department of Labor and Employment o DOLE ang naturang magandang balita kung saan isang buwan pang palalawagin ang amnesty period sa Saudi.
Matatandaang siyamnapung (90) araw ang naunang ibinigay na amnestiya ng Saudi Arabia undocumented foreign workers na nagtapos ngayong linggo.
By Ralph Obina
Amnesty program ng Saudi Arabia pinalawig pa was last modified: July 1st, 2017 by DWIZ 882