Nakadaong na sa Manila Bay ang amphibious assault ship ng Amerika para sa isang goodwill visit.
Ayon kay Captain Larry Mc Cullen ng USS Bonhomme Richard nasa bansa sila para sa cultural exchange dahil ilang miyembro ng kanilang crew ay may dugong Pilipino.
Ipinabatid pa ni Mc Cullen na magbibigay din sila ng tulong sa mga apektado nang pag aalburuto ng bulkang Mayon.
Ang Bonhomme Richard na kabilang sa amphibious squadron 11 ay nag o operate sa Indo Asia Pacific Region bilang bahagi na rin ng regular na scheduled patrol at nakatutok sa rapid response kapag may regional contingency o natural disaster.
Balik Japan na ang nasabing barko sa March 8.
RPE