Suportado ng mga grupo ng mga negosyante ang pag amiyenda sa ilang economic provisions ng 1987 Constitution.
Kabilang dito ang may kaugnayan sa ownership at investment opportunities sa mga banyaga partikular na sa telecommunications industry.
Sinabi ni house committee on constitutional amendments chair Alfredo Garbin na 2013 pa lamang ay sumusuporta na sa hakbanging amiyendahan ang ilang economic provisions ang Makati Business Club, Management Association of the Philippines, Employers Confederation of the Philippines, Philippine Mining and Exploration Association at Foundation for Economic Freedom
Bukod pa ito sa American Chamber of Commerce Philippines Incorporated at Joint Foreign Chambers of the Philippines.
Una nang inatasan ni House Speaker Lord Allan Velasco si Garbin na isulong ang pagtalakay sa pag amiyemda sa restrictive provisions ng konstitusyon sa pagbabalik ng kanilang sesyon sa ika-18 ng Enero.
Tiniyak naman ni Garbin na ituturing ng kaniyang komite ng patas at transparent ang panukalang pag amiyenda sa economic provisions tulad ng iba pang panukalang tinatalakay din sa plenaryo ng Kamara.