Aprubado na sa Committee on Youth ng Senado ang panukalang pag-amyenda sa sangguniang kabataan Reform Act of 2015.
Layon ng naturang panukala na palawigin pa ang partisipasyon ng mga kabataan.
Ayon kay Senador Sonny Angara, Chair ng naturang komite na nabuo ang panukala matapos ang ginawang konsultasyon sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.
Mababatid na kabilang sa mga nais amyendahan sa batas ay pagbibigay ng honoraria sa mga miyembro ng SK pati sa mga konseho.
Sa huli, giit ni Angara na ang ilalaang pondo sa sk ay pupwede ring magamit sa iba pang pangangailangan