Nakahanap na ng kapatid si Ellie ang only daughter ng aktres na si Andi Eigenmann.
Ito ay matapos aminin ni Andi na nag-ampon siya ng apat na bata na taga-Baler, Aurora.
Ayon kay Andi, lagi niyang kasama ang mga ito lalo na sa kanilang surfing activities.
Gayunman paglilinaw ni Andi, itinuturing niya lamang ang mga ito na ampon dahil kanyang tinutulungan ang mga magulang ng mga nasabing bata sa ilang gastusin sa pag-aaral ng mga ito.
Aniya, nais niyang matiyak na makatatapos sa kani-kanilang pag-aaral ang mga nasabing bata.
Sa ngayon, lumipat at naninirahan na si Andi sa Baler Aurora para sa isang simpleng buhay na nais niyang makagisnan din ng anak na si Ellie.
—-