Pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak ng isang movie star na unang nagpabakuna kontra COVID-19 sa Paranaque City.
Sa kanyang ulat sa bayan, hindi binanggit ng Pangulo ang pangalan ng artistang nabakunahan kahit wala naman ito sa priority list.
Dahil dito inatasan ng Pangulo si Health Sec. Francisco Duque III na imbestigahan ang naturang insidente at maghain ng reklamo sa office of the ombudsman.
Ikaw (Duque) na bahala, ayaw ko na lang magpangalan ng tao. It happened sa Parañaque, anak ito ng artista. Kayo na ang bahala mag-imbestiga nito, then kung matapos ito let the legal office handle or idiretso mo na, make a report out of that incident and diretso mo na sa Ombudsman. Mas mabuti, mas madali,”pahayag ng Pangulo.— sa panulat ni Rashid Locsin