Hinatulan ng parusang kamatayan ng korte sa Tripoli Libya ang anak ng yumaong lider ng kanilang bansa na si Saif Al-Islam Gadhafi.
Dahil sa paglunsad ng rebolusyon para mapatalsik ang ama noong 2011, firing squad ang hatol ng korte kay Gadhafi.
Hindi dumalo sa korte si Al-Islam Gadhafi dahil mula ng ito ay maaresto noong Nobyembre 2011 nasa kustodiya na ito ng militia group sa Northwestern City ng Zintan.
Kasama sa kaso nito ang pagpatay sa mga nagpoprotesta sa kanya.
Wala pang linaw kung ano ang kalagayan nito sa kamay ng mga Zintan Militia dahil hindi kinikilala ng militia ang korte ng Tripoli.
Nanungkulan sa Libya ng mahigit na 30 taon ang napatay na lider na si Moammar Gadhafi.
By Mariboy Ysibido