Hinuli sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad ang isang anak ng alkalde sa barangay 6, San Carlos City, Negros Occidental.
Ayon sa San Carlos Police na pinamumunuan ni Chief of Police Lt. Col. Jesus Mesahon, target umano ng mga pulis ang isang drug personality na kinilalang si Chito Atienza, 46-anyos na nagbebenta ng ilegal na droga sa kaniyang bahay.
Naaresto din ang isang babaeng senior citizen na kinilalang si Rosalia Nemenzo, 60-years old at isang lalaking kinilalang si Nestor Era Jr., 40-anyos na napag-alamang anak ni Negros Occidental Mayor Marilyn Era matapos maaktuhang bumibili ng iligal na droga.
Nakuha mula sa mga suspek ang mga drug paraphernalia at 13 sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 15 gramo at nagkakahalaga ng P102,000.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek.