Nagpadala na ng surrender filler kay senator-elect JV Ejercito ang anak na lalaki ng may-ari ng Toyota RAV-4 na naka-hit and-run sa guwardya ng SM Megamall sa Mandaluyong City.
Ayon kay Ejercito, nakipag-ugnayan na sa kanya ang ama ng driver ng RAV 4 at tiniyak nitong sasagutin ang lahat ng gastos sa pagpapa-ospital sa biktimang si christian floralde.
Handa rin anya ang driver na harapin ang mga kasong isasampa laban sa kanya.
Magugunitang nag-alok ang senador ng 50,000 pesos na pabuya sa sinumang makapagtuturo sa SUV driver na sangkot sa insidente noong linggo.