Naghain na rin ng certificate of candidacy ang anak ng pinaslang na mayor ng Tanauan City, Batangas na si Antonio Halili.
Maagang nagtungo kahapon sa Comelec office sa lungsod si Mark Anthony Halili upang i-file ang kanyang CoC bilang kandidato sa pagka-alkalde.
Tatakbo ang nakababatang Halili sa ilalim ng partido pederalismo ng dugong dakilang samahan.
Si Halili ang panganay na anak ng dating alkalde, na binaril at pinatay sa harapan ng Tanauan City Hall habang nagfa-flag ceremony noong July 2, 2018.
Makakatapat ni Mark Anthony sa halalan si dating Congressman Sonny Collantes na kanyang ninong sa kasal habang makakalaban ng kanyang kapatid na si incumbent Mayor Sweet Halili, sa pagka-kongresista ng 3rd district ang ninang na si Maria Theresa “Maitet” Collantes. —sa panulat ni Drew Nacino