Dismayado ang anak ni dating Health Secretary Paulyn Ubial sa pagkakabasura ng Commission on Appointments sa kanyang nanay.
Mananatili ang pamana ng kanyang ina kahit ibinasura ng C.A. ang Ad Interim Appointment nito bilang kalihim ng Department of Health.
Matinding laban anya ang pinagdaanan ng kanyang nanay sa pagpapatupad ng kaayusan sa bansa partikular ang kalusugan ng mga mamamayan.
Iginiit naman ni Karl na hindi siya hihingi ng paumanhin kay Senador Manny Pacquiao makaraang batikusin ng nakababatang Ubial ang inihaing death penalty bill ng mambabatas.