Sumakabilang-buhay na ang natitirang anak ni dating Pangulong Manuel Quezon, na si Maria Zenaida “Nini” Quezon-Avanceña, sa edad na 100.
Kinumpirma ni Ricky Avanceña na binawian ng buhay ang kanyang ina, kahapon.
Si Nini na ikalawang Anak Ng Dating Pangulo, Ay Co-Founderng Concerned Women of the Philippines, isang Socio-Civic Organization na itinatag noong 1978 na sumusuporta sa Anti-Prostitution Programs at non-violence.
Naging miyembro rin si Quezon-Avanceña ng Presidential Human Rights Committee.
Nagbigay-pugay naman si dating Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Undersecretary Manolo Quezon sa kanyang tiyahin maging ang ilan pang personalidad.
Kabilang na rito si Senador Kiko Pangilinan at dating Presidential Spokesman Edwin Lacierda. —sa panulat ni Drew Nacino