Patay sa pamamaril ang anak ni dating boxing champion Rolando Navarette na kilala rin sa tawag na “Bad Boy from Dadiangas”.
Naglalakad umano si Rolando Navarette Jr. kasama ang kanyang kasintahan sa Barangay Lagao sa General Santos City nang pagbabarilin ito ng riding-in-tandem.
Blangko pa ang pulisya sa motibo ng krimen.
Dati ring pinasok ng batang Navarette ang boxing subalit hindi ito nagtagal.