Bibinyagan na ngayong araw ang anak ni Philippine Basketball Association o PBA star James Yap sa Italian girlfriend nitong si Michela Cazzola na si Michael James o baby MJ.
Ayon kay James, gaganapin ang binyag ni baby MJ sa Sanctuario De San Antonio kung saan labindalawang pares ng ninong at ninang ang kanilang kinuha. Kabilang na dito ang mag-asawang Julius at Tintin Bersola-Babao, manager niyang si Dondon Montiverde at boss sa Rain or Shine na sina Terry Que at Raymond Yu.
Sa pagkaka-alam ni James Yap ay naimbitahan naman ang kanyang dating asawang si Kris Aquino. ‘Yun nga lang ay wala pang kumpirmasyon kung pupunta ito sa binyag o kanyang anak lamang na si Bimby at kapatid nitong si Joshua ang dadalo sa binyag.
By Ralph Obina