Nakapag pyansa na ang anak ni Dating Senador Robert Jaworski sa 4 counts ng kasong attempted murder at illegal possesion of firearms sa Makati RTC.
Ipinabatid ni Atty Richard Nethercott, abogado ni Ryan Jaworski na P600,000 ang ibinayad nilang piyansa .
Ang abogado ang nag bail para sa kaniyang kliyente dahil nagpapagaling pa ito sa ospital.
Magugunitang si Jaworski at kasama nitong Joselito Au ay inaresto ng mga pulis matapos maka engkuwentro ang mga ito noong September 19.
Hinihinalang sangkot sa illegal drugs at gun running activities ang batang Jaworski.
By: Judith Larino